5x
average na halaga ng donasyon
89%
pagbaba ng cost per conversion
$15k
donasyong nalikom sa loob ng 90 araw
Bilang isang organisasyong nagso-sponsor ng 51,000 boluntaryo para magtrabaho nang higit isang milyong oras ng pagboboluntaryo, ang All Hands and Hearts ay umaasa sa mapagkawanggawang pagbibigay para pondohan ang mga pagbiyahe para sa tulong sa kalamidad sa mga komunidad sa buong mundo na bumabawi mula sa mga kalamidad. Noong Setyembre, 2018, binaha ng Hurricane Florence ang North at South Carolina sa North America, kaya agarang kumilos ang organisasyon, at nakalikom ito ng higit $450,000 mula sa higit 1,000 donor online.
Kailangan ng All Hands and Hearts na mabilis na makalikom ng pera, at gusto nitong gamitin ang naka-automate na pag-bid ng Google Ads para pataasin ang halaga ng conversion at paramihin ang mga conversion para sa kanilang campaign sa paglikom ng pondo. Ang mga nagmamalasakit na mamamayan ay naghanap sa Google ng mga paraan para matulungan ang mga naapektuhan ng Florence, kaya kinailangan ng organisasyong mapunta sa mga nangungunang resulta para sa mas maraming paghahanap. Para magamit ang diskarte sa pag-bid na Pag-maximize ng Mga Conversion, kailangan ng All Hands and Hearts na i-install ang pagsubaybay sa conversion sa kanilang mga tool sa paglikom ng pondo sa Classy.org.
Ang Classy.org ay nag-aalok ng isang paraang hindi nangangailangan ng code para subaybayan ang pagiging epektibo ng pag-advertise sa pamamagitan Google Analytics at Google Ads. Ang All Hands and Hearts ay pinayuhan ng Community Boost Consulting na mag-install ng pagsubaybay sa conversion na partikular sa transaksyon sa mga tool ng Classy.org bilang unang hakbang. Noong nasusubaybayan na ng organisasyon ang bawat natatanging donasyon online, nasimulan na nilang sanayin ang kanilang mga Ad Grants account na manghikayat ng mas maraming online na donor na mas mataas ang halaga. Ang kanilang sumunod na hakbang ay ang i-enable ang diskarte sa pag-bid na Pag-maximize ng Mga Conversion, sa kanilang mga campaign ng may brand na termino sa paghahanap, pati na rin sa kanilang campaign para sa Hurricane Florence.
Nagpatakbo ang All Hands and Hearts ng isang campaign para sa Hurricane Florence gamit ang diskarte sa pag-bid na Pag-maximize ng Mga Pag-click, at isa pa gamit ang Pag-maximize ng Mga Conversion. Sinubaybayan ng dalawang campaign ang mga halaga ng donasyon para sa bawat conversion gamit ang platform ng paglikom ng pondo na Classy.org.Ang campaign na gumagamit ng Pag-maximize ng Mga Conversion ay nakalikom ng 39% mas maraming dolyar, sa 11% lang ng halaga para sa bawat conversion ng ibang campaign. Ang average na halaga ng donasyon gamit ang Pag-maximize ng Mga Conversion ay limang beses ng sa mga nahimok ng Pag-maximize ng Mga Pag-click. Bukod pa rito, sa loob ng 90 araw mula noong sinimulan ng All Hands and Hearts na subaybayan ang mga halaga ng donasyon at gumamit ng naka-automate na pag-bid, nakaranas ang lahat ng campaign ng 109% pagdami ng mga conversion. Ang mga rate ng conversion para sa lahat ng campaign ay tumaas mula 6.1% at naging 10.3%, at ang All Hands and Hearts ay nakalikom ng $15,000 mula sa mga pagbisitang nahimok ng Google Ad Grants.
Nakatulong ang pag-bid na naka-automate at nakabatay sa conversion sa All Hands and Hearts na mabilis at epektibong makalikom ng pera para sa Hurricane Florence, at ginamit ito ng ibang nonprofit para makatipid sa oras at badyet sa kanilang Ad Grants account. Sabi ni Cameron Ripley, CEO ng Community Boost Consulting: “Dahil sa paggamit ng Pag-maximize ng Mga Conversion, kapansin-pansin ang naging pagdami ng mga resulta para sa aming higit sa 100 Google Ad Grants account ng nonprofit dito sa Community Boost. Minsan, hindi ko mapigilang mangarap nang gisisng tungkol sa kung ilang buhay ang naililigtas o pinagyayaman nitong kamangha-manghang taktika sa marketing.” Para magsimula sa iyong sariling Ad Grants account, sundin ang mga hakbang sa Gabay sa Pagsubaybay sa Conversion sa Ad Grants. Kung ginagamit mo ang Classy.org bilang iyong tagaproseso ng pagbabayad ng donasyon, ang mga hakbang para subaybayan ang mga donasyon ay makikita rito.
“Ang mga digital na taga-market para sa mga nonprofit ay may iba't ibang tungkuling ginagampanan at nagpapatakbo nang may napakaliit na team. Ibig nitong sabihin, kadalasang mahirap maging eksperto sa isang paksa sa digital na analytics. Sa pagsasama ng Classy.org at Google, mas malinaw naming nakikita ang pagiging epektibo ng aming mga campaign sa marketing at mayroon kaming mga natutunan para sa hinaharap.”Huan Song, Digital Channels Manager sa All Hands and Hearts