AmpleHarvest.org

Tinutulungan ng Google Ad Grants ang AmpleHarvest.org na ikonekta ang mga nagtatanim ng pagkain sa mga lokal na pantry, at turuan ang milyun-milyong tao sa buong bansa nang walang badyet sa marketing.

Mga Layunin sa Marketing

  • Ikonekta ang mga nagtatanim ng pagkain sa mga lokal na pantry
  • Himukin ang pagbibigay ng mga donasyon
  • Manghikayat ng mga sponsorship mula sa mga korporasyon

Mga Sukatan ng Tagumpay

+58%

pag-sign up sa kalahati ng gastusin sa bawat taon

8,400

pagpaparehistro ng food pantry

Sa isang Sulyap

AmpleHarvest.org

Lokasyon: USA www.ampleharvest.org

Misyon

Nakikinita ng AmpleHarvest.org, na itinatag noong 2009, ang isang Amerika kung saan maiibsan ng milyung-milyong hardinero ang pag-aaksaya ng pagkain, malnutrisyon, at gutom sa kanilang sariling komunidad sa pamamagitan ng pagkuha ng pagkain sa kanilang sariling lugar. Kinokonekta ng organisasyon ang 42 milyong Amerikano na sama-samang nagtatanim ng 11 bilyong pounds ng sobrang pagkain taon-taon sa mga lokal na pantry para mapakain ang mga nangangailangan at maiwasang masayang ang masustansyang pagkain.

Mga Layunin sa Marketing

Umaasa ang AmpleHarvest.org sa kanilang Google Ad Grants account bilang kanilang pangunahing paraan ng marketing. Kahit na walang nakalaang badyet sa marketing at walang naunang karanasan sa online marketing, binibigyang-daan ng Ad Grants ang organisasyon na maabot ang mga hardinero sa tahanan at sa komunidad para turuan sila tungkol sa mga paraan para maibahagi ang kanilang mga ani sa mga pantry ng pagkain. Umaasa ang organisasyon sa Ad Grants para manghingi ng mga indibidwal na donasyon at sponsorship mula sa mga korporasyon para makamit nila ang mga layunin ng kanilang organisasyon na magdala ng sariwang pagkain sa kalahati ng mga pantry ng pagkain sa bansa.

Ang Diskarte

Paliwanag ni Gary Oppenheimer, Founder ng AmpleHarvest.org, “Sinusubaybayan namin ang epekto ng aming Ad Grants account sa pamamagitan ng pag-import ng mga layunin sa Google Analytics sa aming mga campaign. Ginagabayan ng data ng conversion ang aming mga desisyon sa digital na marketing dahil madali naming nakikita kung ano ang nangyayari pagkatapos na may mag-click sa aming mga ad. Nagulat at natuwa kami sa kung gaano kabilis kaming nakapagsimulang makatanggap ng data na naaaksyunan.” Dumami nang anim na beses ang mga conversion sa loob ng 4 na taon mula nang ipatupad ang Analytics. Gumagamit din ang AmpleHarvest.org ng Google Analytics para matukoy ang pinakamalalakas na page sa kanilang website at pahusayin ang mga ito gamit ang A/B testing sa Google Optimize.

Epekto ng Google Ad Grants

Ang mga campaign ng AmpleHarvest.org sa pamamagitan ng Google Ads ay nakahimok ng higit sa 2 milyong pagbisita sa website at higit sa 200,000 conversion mula nang sumali sila sa programa noong 2009. Binigyang-daan ng Ad Grants ang organisasyon na turuan, hikayatin, at bigyang-daan ang donasyon ng pagkain nang naaayon at nakatanggap ang AmpleHarvest.org ng 8,400 (25% ng kabuuan ng bansa) pagpaparehistro ng pantry ng pagkain mula nang mailunsad ang kanilang mga Google Ads campaign. Ayon kay Gary Oppenheimer, “Ang mga tool ng Google sa pagsubaybay ay napakahalaga sa aming organisasyon. Kung wala ang mga ito, hindi namin malalaman ang tungkol sa maraming sukatan at insight. Nagbigay-daan ang mga ito sa amin na maabot ang mas maraming taong gustong magbahagi ng sariwang ani mula sa hardin sa mga taong nangangailangan. Nagpapasalamat talaga kami na abot-kamay namin itong mga tuluy-tuloy na nagbabago at mahusay na tool.”

“Ang Ad Grants ay naging napakahalagang partner ng AmpleHarvest.org simula noong maglunsad kami. 1,000 pantry ng pagkain sa buong bansa ang nagparehistro para makatanggap ng sariwang pagkain mula sa lokal na pananim sa unang pagkakataon sa loob ng 150 araw ng pagkalunsad ng mga ad dahil sa malawak na sakop at pagiging epektibo ng Google Ads.”
Gary Oppenheimer, Founder, AmpleHarvest.org