Barnardos

Na-optimize ng Barnardos ang kanilang Ad Grants account gamit ang mga keyword at ad extension para maabot ang napakatataas na rate ng conversion.

Mga Layunin sa Marketing

  • Panatilihing mas mataas sa 1% ang CTR
  • Paramihin ang mga conversion na donasyon at pagpaparehistro sa email
  • Paramihin ang mga impression at i-capture ang trapikong walang brand at may kaugnayan sa bata

Mga Sukatan ng Tagumpay

2.57%

naabot na CTR

366%

pagtaas sa rate ng conversion

350%

pagdami ng mga impression sa website

Sa isang Sulyap

Barnardos

Lokasyon: Dublin, Ireland www.barnardos.ie

Misyon

Ang Barnardos ay isa sa mga nangungunang kawanggawang pambata ng Ireland na nagpapatakbo ng mahigit 40 center sa mga lokal na lugar para magbigay ng mga mapagkukunan para makinabang ang mga bata sa mga maralitang komunidad. Nagsisikap ang organisasyon na tulungan ang mga batang lumaki at umunlad sa isang ligtas at nangangalagang kapaligiran para mapabuti ang kanilang emosyonal na kapakanan at mapahusay ang kanilang pagkatuto at pag-unlad. Nauunawaan ng Barnardos kung paano naiimpluwensyahan ng pamilya at komunidad ang pagpapalaki ng isang bata at aktibo itong nakikipagtulungan sa mga grupong nagsusulong sa kapakanan ng bata para makamit ang layunin nilang "gawing Ireland ang pinakamagandang lugar sa mundo para maging bata."

Mga Layunin sa Marketing

Umaasa ang Barnardos sa mga boluntaryo at donasyon para suportahan ang kanilang organisasyon. Para mapahusay ang kanilang performance at maabot ang mas marami pang bata, gusto ng Barnardos na magdala ng higit pang trapiko sa kanilang website at i-capture ang mga termino para sa paghahanap na may kaugnayan sa mga bata at hindi partikular sa brand. Gusto rin nilang maging mas madaling ma-access sa pamamagitan ng pagha-highlight ng mga partikular na page sa kanilang website at pagbabahagi ng kanilang lokasyon at numero ng telepono. Gamit ang tamang kumbinasyon ng mga keyword at extension ng ad, umasa silang makapag-target ng partikular na audience at mapahusay ang pangkalahatang performance.

Proseso

Noong 2013, nakipagtulungan si Jean O'Brien, Online Executive sa Barnardos, sa isang eksperto sa online advertising at natukoy niyang ang mga keyword ng organisasyon ay tumutugma sa mga walang kaugnayang paghahanap. Gumamit si Jean ng modifier ng malawak na tugma, pariralang tugma, at eksaktong tugma para pinuhin ang listahan ng keyword ng Barnardos para pumili ng mga may kaugnayang termino at magkaroon ng mas mahusay na kontrol kung anong mga termino ang nagti-trigger ng pagpapakita ng kanilang ad. Noong angkop nang naipangkat ang mga keyword sa mga ad group at campaign, nagdagdag si Jean ng Mga Sitelink, Extension sa Pagtawag, at Extension ng Lokasyon bilang pagpapahusay sa mga ad at para magbahagi ng karagdagang impormasyon nang walang karagdagang gastos.

Epekto ng Google Ad Grants

Ang mga pagsisikap ni Jean para mapahusay ang Google Ads account ng Barnardos ay nagkaroon ng direktang epekto sa performance ng keyword, mga donasyon, at mga online na pagpaparehistro. Iniulat ng Barnardos na naabot nila ang pinakamataas na 9.5% rate ng conversion at nahigitan nila ang performance ng iba pa nilang platform sa online marketing. Ipinagmalaki rin ni Jean na kasalukuyang nagdadala ang Google Ads ng 15% ng lahat ng pagpaparehistro sa email at 17% ng lahat ng online na donasyon. Simula nang mag-advertise sila gamit ang Google Ad Grants noong 2007, nakita nila ang patuloy na paglago ng kaalaman sa brand at sa kasalukuyan, 28% ng lahat ng page view ng website ay dahil sa Google Ads. Patuloy silang naglilingkod sa mga bata sa Ireland at nagpapasalamat sa Google Ad Grants para sa kakayahang mag-advertise online.

“Kung hindi dahil sa Google Ad Grants, hindi naming makakayanang magbayad ng online na pag-advertise at hindi kami makakakita ng mga totoo at tuluy-tuloy na resulta.”
Jean O’Brien, Online Executive, Barnardos