305k
pagbisita sa website sa loob ng isang taon
4,900
donasyong nahimok sa loob ng isang taon
7,400
pagpaparehistro ng guro sa loob ng isang taon
Ang DonorsChoose.org ay ang nangungunang platform para sa pagbibigay sa mga pampublikong paaralan. Misyon ng organisasyon na padaliin para sa kahit sino na tulungan ang isang silid-aralang nangangailangan, na naglalapit sa atin sa pagiging isang bansa kung saan ang mga mag-aaral sa bawat komunidad ay may mga tool at karanasang kailangan nila para sa magandang edukasyon, anuman ang kalagayan ng ekonomiya ng kanilang komunidad. Ginagamit ng mga guro sa buong Amerika ang site para gumawa ng mga proyektong humihiling ng mga resource na kailangan ng kanilang mga estudyante, at ang mga donor ay nagbibigay sa mga proyektong nagbibigay sa kanila ng inspirasyon. Simula nang itatag ito ng isang guro noong 2000, mahigit sa 3 milyong tao at partner ang nagbigay ng $760 milyon sa mga proyektong umaabot sa 31 milyong estudyante, na karamihan ay nasa mga komunidad na mababa ang kita. Natatangi mula sa mga platform para sa pagpopondo ng edukasyon, masusing pinag-aaralan ng team ng DonorsChoose.org ang bawat kahilingan sa proyekto at direkta nitong ipinapadala ang mga resource sa paaralan.
Nagsisikap ang organisasyon na panatilihing maliit ang kanilang badyet sa marketing at ginagamit nito ang Google Ad Grants bilang mahusay na paraan para ikonekta ang mas marami pang donor at guro sa platform. Ginagamit ng DonorsChoose.org ang Google Ads para mapalawak ang kaalaman, hikayatin ang pagbibigay ng mga donasyon, paramihin ang mga pagpaparehistro ng guro, mangalap ng mga bagong pagsusumite ng proyekto ng guro, at higit pa. Ayon kay Yangsin, “Ipinatupad namin ang pagsubaybay sa conversion para masukat ang epekto ng aming mga layunin sa marketing. Bilang isang marketplace na maraming aspeto para sa mga donor, guro, at partner, kailangan ng aming mga channel sa marketing na ipakita ang mga pangangailangan ng bawat uri ng user. Nagtakda kami ng mga layunin para sa bawat grupo at pinagpasyahan namin ang sukatan ng conversion na pinakagusto naming himukin para makamit ang layuning iyon.” Binibigyan ng data ng performance ng ad ng Google Ads ang organisasyon ng malinaw na ideya tungkol sa mga pangangailangan sa silid-aralan ng mga guro at interes ng donor.
Bilang karagdagan sa pagsubaybay sa mga sukatan gamit ang pagsubaybay sa conversion sa Google Ads, ginagamit ng DonorsChoose.org ang Google Analytics at Google Data Studio. Sabi ni Yangsin, “Talagang maraming available na data. Maaari kang maging micro o macro kung kinakailangan para mas maunawaan ang mga user na pumupunta sa iyong website.” Gumagamit ang organisasyon ng data mula sa dashboard sa Google Ads para tiyaking higit sa pamantayan ng industriya ang mga nangungunang sukatan sa kanilang account. Ang masusing pagsubaybay sa data ng performance ay nagbibigay-daan sa DonorsChoose.org na i-optimize ang kanilang account at tiyaking nasusulit nila ang kanilang Ad Grants account.
Ang pagsukat sa lakas ng kanilang mensahe at mga call to action sa pamamagitan ng pagtingin sa data ng pagsubaybay sa conversion at gawi sa site sa pamamagitan ng Google Analytics ay nagbibigay ng insight sa kung ano ang tumatagos sa kanilang mga audience at tumutulong para mas mahusay na ilatag ang mensaheng pang-outreach. Ang data ng conversion ay nagbibigay ng insight sa kung anong mga resource ang pinakamadalas hanapin ng mga guro at anong mensahe ang may pinakamalaking epekto sa mga bagong donor. “Gamit ang kaalamang ito, mahusay naming maiaangkop ang mensahe sa iba pang channel ng marketing para itugma ito sa kung ano ang epektibo sa Google Ads,” paliwanag ni Yangsin.
“Nagbibigay-daan sa amin ang Google Ad Grants na epektibong makakonekta sa mga guro, donor, at partner na gustong gumawa ng pagbabago sa mga lokal na silid-aralan. Sa pamamagitan ng Google Ads, magagawa naming abutin ang mga gurong nagnanais na matupad ang kanilang mga pangarap na silid-aralan, at kumonekta sa mga donor at partner na naghahanap ng direkta at may pananagutang paraan para suportahan ang pampublikong edukasyon,” paliwanag ni Yangsin. Sa loob ng isang taon, ang Ad Grants account ng organisasyon ay nakahimok ng 305k pagbisita sa website, 4.9k donasyon, 7.4k pagpaparehistro ng guro, 6.6k bagong pagsusumite ng proyekto ng guro, at 1.9k pagsusumite ng form para sa pakikipag-ugnayan - na may 8.44% clickthrough rate. Ang pagpapatupad ng pagsubaybay sa conversion ay lubos na nagpahusay sa impormasyong natatanggap nila mula sa Google Ads at naglagay ng karagdagang layer ng data para mabigyang-kaalaman ang pagtatakda ng layunin. Sabi ni Yangsin, “Nakakita kami ng patuloy na paglago at paghusay sa mga pangunahing layunin sa pagsubaybay sa conversion, dahil sa madiskarteng paggamit ng Ad Grants. Sa loob lang ng isang taon, nakalikom kami ng karagdagang $497K mula sa humigit-kumulang 5,000 donasyon sa pamamagitan ng aming mga ad. Nakikita namin ang direktang epekto ng aming mga ad sa bawat aspeto ng aming marketplace, mula sa mga paggawa ng mga bagong guro ng kanilang unang proyekto sa silid-aralan, hanggang sa mga donor na nagkaroon ng inspirasyon para magbigay. Sa aming maliit na badyet sa marketing, maaaring hindi ko maiisip na magkakaroon kami ng ganitong klase ng mga resulta kung hindi dahil sa Ad Grants.”
“Ang aming Google Ad Grant ay isang malaking bahagi ng aming istratehiya sa digital marketing sa DonorsChoose.org. Ang Google Ads ay isa sa aming mga channel sa marketing na may pinakamalaking epekto, na nagbibigay-daan sa aming maabot ang mga bagong donor at guro, na nagdadala ng mga materyal at karanasan sa mga silid-aralan sa buong bansa. Binibigyang-diin ng mga ad na ito kung gaano kadali at naa-access ang pagbibigay sa isang lokal na silid-aralan.”Yangsin Lau Vazquez, Digital and Growth Marketing, DonorsChoose.org