46,000
ang nahimok sa daloy ng pagpaparehistro ng botante noong 2018
32,000
conversion sa loob ng 6 na buwan
130,000+
pagbisita sa website sa loob ng 6 na buwan
Nakatuon ang DoSomething.org sa kabataan at pagbabago sa lipunan. Tinutukoy ng organisasyon ang mga adhikaing pinahahalagahan ng kabataan at nagbibigay sa kanila ng mga makabuluhang pagkilos para makagawa ng offline na epekto sa mga adhikaing iyon.
Ginagamit ng DoSomething.org ang Google Ads para pakilusin ang henerasyon ng kabataan na pinakanangunguna pagdating sa pagkakaroon ng kamalayan at pananagutan at pagiging aktibo sa lipunan. Umaasa ang organisasyon sa kanilang Ad Grants account para iugnay ang kabataan sa mga campaign na maaari nilang aksyunan. Noong 2018, partikular na pinagtuunan ng organisasyon ang paghimok sa pagpaparehistro ng botante. Ayon kay Carrie Bloxson, CMO, “Hinaharap namin ang pagpaparehistro ng botante gamit ang istratehiya sa marketing na maraming sangay, at ang Google Ad Grants ay isang mahalagang bahagi ng istratehiyang iyon.”
Binibigyang-daan ng Google Ad Grants ang DoSomething.org na abutin ang mga bata at kwalipikadong botante gamit ang mga may kaugnayang mensahe nang naaayon. Paliwanag ni Carrie, “nagbibigay-daan sa amin ang Google Ad Grants na iugnay ang aming daloy ng pagpaparehistro ng botante sa mga taong aktibong naghahanap ng mga paraan para maipaabot ang kanilang opinyon. Gumagamit kami ng pagsubaybay sa conversion na tumutulong sa aming maunawaan ang rate ng conversion at cost per conversion ng mga taong nagsisimula at kumukumpleto ng daloy ng pagpaparehistro.”
Nakakatulong ang data ng conversion sa organisasyon na maunawaan kung paano tumatagos ang channel at mensahe sa kanilang target na audience at tumutulong ito sa kanilang bigyan ng priyoridad ang pagmemensaheng mahusay ang performance. Para sa kanilang pagsisikap sa pagpaparehistro ng botante, nakatulong ang data ng conversion sa DoSomething.org na magtakda ng benchmark na cost per acquisition na ikinukumpara nila sa iba pang channel ng marketing. Ayon kay Carrie, “Gumagawa ang aming organisasyon ng mga desisyong nakabatay sa data. Gustung-gusto namin ang kakayanang isama ang aming data sa Google Analytics sa aming dashboard sa Google Ads para mabilisang magkaroon ng ideya tungkol sa performance nang hindi nagpapalipat-lipat ng platform.”
Ang Google Ad Grants ay naging mahalagang channel ng marketing para himukin ang pagpaparehistro ng botante para sa mga 18-24 na taong gulang noong 2018. Simula nang ilunsad ang mga campaign para sa pagpaparehistro ng botante, nakahimok ang Google Ad Grants ng humigit-kumulang 46,000 tao sa daloy ng pagpaparehistro ng botante sa vote.dosomething.org. Sa loob ng anim na buwan, ang Google Ads campaign ng DoSomething.org ay nakahimok ng higit 100,000 pagbisita sa website, 32,000 conversion na may average na clickthrough rate na 12%.
“Tumutulong ang aming Google Ad Grant na magdala ng kamalayan sa kabataan at iugnay sila sa mga resource at impormasyong kailangan nila. Tara!"Carrie Bloxson, CMO, DoSomething.org