65%
naabot na naghahanap ng payo
71%
pagdami ng trapiko sa site
15%
online na donasyon at pagpaparehistro ng boluntaryo
Ang Elder Wisdom Circle ay isang online na intergenerational program na nagpapares ng mga boluntaryong senior na may edad na 60+ sa mga mas batang henerasyong naghahanap ng nakakaunawa at nakakatulong na payo. Ang layunin ng EWC ay magbigay ng nakakatulong na payo sa mga kabataan, habang pinapaganda ang pananaw nila tungkol sa mga nakatatanda. Ang layunin para sa mga senior ay ang magtatag ng isang organisasyon kung saan nararamdaman nilang sila ay kinikilala, may pakinabang, at pinapahalagahan.
Isa sa mga pangunahing layunin ng EWC ay maghanap ng mga batang naghahanap ng payo na gustong makarinig ng mga nakakatulong na kaalaman mula sa mga taong katulad ng kanilang lolo at lola. Bukod pa rito, layunin din ng EWC na maabot ang mga potensyal na tagasuportang maaaring alam na o hindi pa alam ang tungkol sa kanilang natatanging modelo, sa pag-asang sila ay magiging mga donor o boluntaryo. Alam ni Doug Meckelson, Founder at President, na ang malaking bahagi ng kanilang target na audience na kabataang naghahanap ng payo ay matatagpuan online, kaya naging early adopter siya ng programang Google Ad Grants. Mabilis na naubos ng matagumpay na campaign na ito ang $10,000/buwan na grant, at dahil sa malakas na performance ng account, mahusay na diskarte, at positibong epekto sa komunidad, tinanggap ang EWC sa programang Grantspro para sa mas malaking grant na $40,000/buwan. Gamit ang Analytics, napansin ni Doug na ang lumalaking bilang ng mga bisita sa site ay mula sa mobile: 17%, tumaas mula sa 8% noong nakaraang taon. Kaya noong Nobyembre 2013, nag-upgrade si Doug sa isang website na na-optimize para sa mobile para makasabay sa trend sa kanilang target na demograpiko sa pamamagitan ng paglipat sa mobile.
Bilang isang tagatanggap ng Grantspro, gumagamit si Doug ng Analytics at Pagsubaybay sa Conversion para subaybayan ang mga trend at gumawa ng mga desisyon batay sa kaalaman, at binabanggit niya na ang karamihan ng trapiko sa website ng EWC ay iniuugnay sa kanilang mga Google Ads campaign. Noong nakaraang taon, 71% ng kabuuang mga bisita at 65% ng mga naghahanap ng payo ay mga referral mula sa Google Ads. Sa Grantspro, naabot ng EWC ang 240% higit pang tagasuporta noong nakaraang taon, kung ikukumpara sa mga referral na natanggap mula sa kanilang karaniwang grant. Nakatulong ito sa EWC na maglingkod sa 8,000 karagdagang naghahanap ng payo at magkaroon ng karagdagang 12,000 oras ng boluntaryong paglilingkod para sa mga senior. Bukod pa rito, 15% ng mga donasyon at 15% ng mga aplikasyon ng boluntaryo ay nagmula sa mga user na nakatuklas sa EWC sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng Google Ads. Gamit ang mas malaking badyet sa Grantspro, pinag-iisipan ngayon ni Doug kung paano mas mahusay na mata-target ang mga naghahanap ng payo mula sa ibang bansa dahil North America ang pangunahing pinagtutuunan ng EWC kahit noon pa. Gayundin, para matiyak na magagamit sa pinakamahusay na paraan ang mas malaking badyet, ginagamit niya ang Analytics para tukuyin ang mga pinakamatagumpay na source ng trapiko at keyword, at regular niyang ino-optimize ang mga campaign batay sa data na ito.
“Kung wala ang aming mga Google Ads campaign, ang Elder Wisdom Circle ay malamang na wala na. Walang posibleng alernatibo sa pag-advertise para sa aming nonprofit na maaaring maging kasing tagumpay.”Doug Meckelson, Founder at President, Elder Wisdom Circle