Fuse School

Ginamit ng Fuse School ang data ng Analytics para ma-optimize ang kanilang mga campaign sa AdWords Express at makamit ang kanilang mga layunin sa online marketing .

Mga Layunin sa Marketing

  • Magdala ng trapiko sa website
  • Palawakin ang kaalaman sa brand
  • Paramihin ang pakikipag-ugnayan sa online na content

Mga Sukatan ng Tagumpay

73%

trapiko sa website na dinala ng AdWords Express

76%

ng trapiko sa website na dala ng AWX ay mga bagong user

3

average na dami ng mga page na tiningnan ng trapiko ng AWX

Sa isang Sulyap

Fuse School

Lokasyon: London, UK www.fuseschool.org

Misyon

Ang misyon ng Fuse School ay ang makapagbigay ng libreng edukasyon para sa lahat sa pamamagitan ng mga online na kurso sa Agham, IT, Business, Matematika, at English.

Mga Layunin sa Marketing

Ang mga layunin ng Fuse School sa marketing ay ang palawakin ang kaalaman sa brand at paramihin ang mga pagtingin ng kanilang pang-edukasyong resource na content online. Ginagamit nila ang AdWords Express ng Ad Grants para i-target ang mga naghahanap para sa materyal na pang-edukasyon at magdala ng may kaugnayang trapiko sa kanilang website. Ang kanilang mga target na audience ay mga estudyanteng 12-16 taong gulang, at mga guro at magulang na naghahanap ng pang-edukasyong content.

Proseso

Si Lucy Billings, Manager ng Fuse School, ay gumamit ng data mula sa dashboard sa AdWords Express at mga ulat sa Google Analytics para pagbatayan ng mga desisyon tungkol sa online marketing ng Fuse School, habang patuloy na sumasangguni at natututo sa online na Help Center. Ipinapakita ng data ng Analytics na ang mga bisitang orihinal na nag-click sa mga AdWords Express ad at pagkatapos ay bumisita sa site, ay tumingin sa average na 1 page na mas marami kaysa mga bisita mula sa iba pang source, at ang mga bumalik ay nag-browse ng 6 na page.

Epekto ng Google Ad Grants

Sa pangkalahatan, dahil ito sa mga natutunan sa Google Analytics tungkol sa dami ng bisitang nagmumula sa mga AdWords Express ad at pagsubaybay sa kanilang gawi pagdating nila sa website. Ang AdWords Express para sa Ad Grants ang pinakamalaking source ng trapiko sa kanilang site nang tumakbo ang mga campaign noong 2016, na nag-ambag ng 73% ng mga bisita ng site. Dagdag pa sa pagdami ng mga pagbisita sa site, nakita ang epekto ng AdWords Express sa mga rate ng pakikipag-ugnayan ng mga bisita. Karamihan sa mga bisita ng AdWords Express ay mga user na bumisita sa unang pagkakataon ngunit ang mga bumalik sa Fuse School para tumingin ng mas maraming content, ay tumingin sa average na 6 na page, para manood ng mga tutorial at matuto pa tungkol sa mga bagay na iniaalok.

"Ginamit ng organisasyon namin ang Google Analytics at mga online na resource ng suporta para makatulong na maunawaan kung paano subaybayan ang mga layunin namin at tiyaking nasusulit namin ang AdWords Express. Pinaaalam sa amin ng pagsukat sa kung gaano katagal ang ginugugol ng mga tao sa aming mga site na naaabot namin ang aming layuning gumawa ng nakakahimok na content!"
Lucy Billings, Manager ng Fuse School