GlobalGiving

Ginamit ng GlobalGiving ang mga sukatan ng pagsubaybay sa conversion para maghatid ng kwalipikadong trapiko, na nagbigay-daan sa kanilang mag-apply para sa programang Grantspro.

Mga Layunin sa Marketing

  • Paramihin ang mga pagbisita sa page ng proyekto ng website
  • Palawakin ang epekto sa mga bagong bansa
  • Manghikayat ng mga online na donasyon

Mga Sukatan ng Tagumpay

4K+

conversion

390K+

pag-click sa website

5K

donasyon

Sa isang Sulyap

GlobalGiving

Lokasyon: USA www.globalgiving.org

Misyon

Ang GlobalGiving ay isang organisasyong nagbibigay ng pagkakataon sa mga social entrepreneur at nonprofit mula saanman sa mundo na makalikom ng pera para sa pagpapahusay ng kanilang mga komunidad. Sa GlobalGiving.org, ang mga potensyal na donor ay maaaring maghanap ng mga proyekto ayon sa rehiyon o paksa, at ang pipiliin nilang kawanggawa ay magpapadala ng mga update kung paano ginagamit ang donasyon. Ang GlobalGiving ay isang marketplace para sa positibong epekto; ang mga tao ay nagbibigay ng donasyong oras at pera sa mga kawanggawang kumikilos para gawing mas mahusay ang mundo.

Mga Layunin sa Marketing

Alam ng GlobalGiving na kadalasan, ang mga tao ay nagbibigay lang ng donasyon sa isang layunin pagkatapos nilang mabigyan ng sapat na kaalaman tungkol dito. Bilang resulta, ginagamit ng GlobalGiving ang kanilang website para ipaalam sa mga tao ang tungkol sa mga isyu at ipinagbibigay-alam nila sa kanilang mga donor ang tungkol sa 10,000+ kwalipikadong proyekto sa buong mundo. Matapos subukan ang mga tradisyonal na pagsisikap sa marketing, ginamit ng GlobalGiving ang Google Ad Grants noong 2008 para magdala ng kwalipikadong trapiko sa kanilang website at paramihin ang mga donasyon sa marami nilang iba't ibang proyekto. Gumugol sila ng 6+ taon sa pagsubok ng mga diskarte sa online marketing sa kanilang Ad Grants account para matagumpay na makamit ang kanilang mga layunin.

Proseso

Inihahambing ni Kevin Conroy, Chief Product Officer, ang data ng performance sa Google Ads sa paglipas ng panahon sa mga trend sa industriya at trend ng consumer para maghanap ng mga bagong pagkakataon para sa pag-outreach. Bukod pa rito, ipinapakita ng mga sukatan ng pagsubaybay sa conversion at trend ng dami ng pag-click kung aling mga campaign at proyekto ang mabilis na sumisikat at nakakatulong ang mga ito kay Kevin na magtakda ng mga layunin at diskarte sa marketing para sa GlobalGiving. Hinahayaan ng Google Ad Grants na i-target ng organisasyon ang tamang tao sa tamang oras gamit ang tamang call-to-action, na nakakatulong sa mga taong magkaroon ng kaalaman at magtutulak sa kanilang magbigay sa huli.

Epekto ng Google Ad Grants

Nag-install ang GlobalGiving ng pagsubaybay sa conversion para masubaybayan kung ilang donasyon at subscription sa newsletter ang nagmumula sa kanilang mga campaign sa Ad Grants. Ginamit nila ang mga sukatan ng pagsubaybay sa conversion para i-optimize ang kanilang mga campaign at makatulong sa kanilang silang ubusin ang kanilang buwanang badyet na $10,000. Sa pamamagitan nito, nakapag-apply sila para sa programang Grantspro, nakatanggap sila ng mas malaking badyet na $40,000 sa isang buwan, at nakakita sila ng mas malaki pang epekto mula sa kanilang Ad Grants account. Sa mas malaking badyet pa lang, nadoble na ang trapiko at gastusin sa Google Ads ng GlobalGiving. Ngayon, ang trapiko sa kanilang website ay lampas 400% na mula nang sumali sila sa Ad Grants noong 2008 at patuloy silang sumusubok ng mga bagong diskarte para magamit ang mas malaki nilang badyet.

“Nakatulong ang Google Ad Grants na maghatid ng mahigit 350,000 bisita sa aming site, na nagdala ng karagdagang $440,000 mula sa mahigit 5,000 donasyon — at sa lahat ng ito, walang ginastos ang aming organisasyon!”
Kevin Conroy, Chief Product Officer, GlobalGiving