Habitat For Humanity

Ina-amplify ng Habitat Wake ang kanilang epekto sa pamamagitan ng pamumuhunan sa binabayarang Google Ads, gamit ang mga remarketing display campaign para isulong ang pagpapanatili ng donor.

Mga Layunin sa Marketing

  • Paramihin ang mga in-kind na donasyon
  • Paramihin ang mga donasyong pera
  • Humimok ng mga pagtawag

Mga Sukatan ng Tagumpay

585+

mga pagtawag mula sa Ad Grants sa 1 taon

900

mga conversion ng donasyon mula sa Ad Grants sa 1 taon

$284,000+

sa mga in-kind na donasyon sa 1 taon

Sa isang Sulyap

Habitat For Humanity

Lokasyon: USA www.habitatwake.org

Misyon

Pinagsasama-sama ng Habitat for Humanity ang mga tao para magtayo ng mga tahanan, komunidad, at magbigay ng pag-asa. Mula 1985, nakikipagtulungan ang Habitat Wake sa mga bumibili ng bahay, donor at boluntaryo para magtayo ng mahigit 750 ligtas, abot-kaya, energy-efficient na mga tahanan sa lahat ng bahagi ng mga county na Wake at Johnston sa North Carolina. Sinusunod ng organisasyon ang pilosopiyang "hand up, hindi handout" at isinusulong ang mga kasalukuyang asset ng komunidad: pampinansyal, pisikal, natural, tao, lipunan at ispiritwal.

Mga Layunin sa Marketing

Ginagamit ng Habitat Wake ang kanilang Ad Grants at may bayad na mga Google Ads account para palakihin ang bilang ng mga taong nag-iiskedyul ng mga pickup para sa mga in-kind na donasyon kada buwan. Ibinebenta ang mga na-donate na gamit pambahay sa pamamagitan ng kanilang Habitat ReStore, na nakapagbibigay ng mga pondo para masuportahan ang mga programa at mabigyan ang komunidad ng mapagkukunan ng abot-kayang mga kagamitan at kasangkapang pambahay.

Ang Diskarte

Kinuha ng organisasyon ang mga serbisyo ng Nonprofit Megaphone, isang Certified na Propesyonal na ahensya ng Ad Grants, para pamahalaan ang kanilang Ad Grants at mga binabayarang Google Ads account. Nagpasya ang organisasyon na mamuhunan sa isang binabayarang account para mapalawak ang kanilang naaabot, gumamit ng mga display ad, at maglunsad ng mga remarketing campaign. Sabi ni Olivia Bowler, Director of Communications sa Habitat for Humanity ng Wake County, “Sa mas umiigting na kumpetisyon sa mundo ng online advertising, nagbigay-kakayahan sa aming organisasyon ang binabayarang account na mapalawak ang aming naaabot sa pamamagitan ng paggamit ng mga advanced na feature sa marketing at ng network, habang nakakahimok ng mas dumaraming donasyon. Gustong-gusto namin ang kontrol na naibibigay sa amin ng Google Ads sa aming pagmemensahe, pag-target at pag-track sa ad.” Ibinahagi ni Grant Hensel, CEO ng Nonprofit Megaphone na, “Natutuwa kaming makipagtulungan sa Habitat Wake para gamitin ang binabayarang Google Ads at Ad Grants para maisulong ang kanilang misyon. Makapangyarihan ang bawat platform kahit gamitin nang mag-isa, pero nang magkasama, mas maganda ang mga makukuhang resulta sa mundo ng online marketing. Gusto naming ibigay sa aming mga client ang lahat ng bentaheng puwede nilang makuha!”

Epekto ng Google Ads

Sinulit ang lakas ng maraming tool ng Google

Nagbibigay-daan ang parehong Google Ad Grants at binabayarang Google Ads na maabot ng Habitat Wake ang mas maraming taong interesado sa kanilang gawain at makahimok ng mas maraming donasyon, lalo na ang mga in-kind na donasyon na kanilang nire-resell. Ginagamit ng Habitat Wake ang Google Analytics at Google Tag Manager para i-track ang mga conversion sa pareho nilang account, para direktang dumaloy ang data sa interface ng Google Ads.

Humimok ng karagdagang donasyon at tawag

Tina-track nila ang “page ng tagumpay” pagkatapos na maiskedyul ang mga pickup para sa mga donasyon sa kanilang Habitat ReStore, na nagbibigay-daan sa kanilang direktang i-attribute ang mga karagdagang donasyon sa kanilang mga ad. May halagang pera ang mga donasyon na nakalkula nila. Nagbibigay-daan ang pagtatalaga ng mga halaga sa kanilang mga conversion na makita ng organisasyon ang kabuuang halagang nahihimok ng kanilang mga ad sa iba't ibang conversion at madaling makita dahil dito ang return on investment. Ang average na pagsusumite ng form ng kahilingan sa pickup ng donasyon ay nakahimok ng $277 sa halaga ng conversion para sa organisasyon at sa mahigit anim na buwan, umabot ang kabuuang halaga ng conversion sa mahigit $153,000.

Sa loob ng 30 araw, nakahimok ang Ad Grants ng 75 nakaiskedyul na pickup ng donasyon, na nagkakahalaga ng libu-libong dolyar para sa organisasyon. Ginamit ng organisasyon ang Ad Grants para humimok ng mga donasyon bago ang pagbubukas ng isang bagong tindahan at nakakita ito ng pagtaas ng trapiko sa website at ng mga donasyon na hindi nila makikita kung hindi dahil dito. Gumamit din sila ng mga extension sa pagtawag sa kanilang mga ad sa Ad Grants na nagbibigay-daan sa kanilang magdagdag ng mga numero ng telepono sa kanilang mga ad at humimok ng mahigit 585 tawag sa 1 taon lang.

Pinalawak sa mga remarketing display ad para i-amplify ang epekto

Panghuli, umaasa ang Habitat Wake sa kanilang binabayarang Google Ads account na maglunsad ng mga remarketing display campaign para hikayatin ang mga bisita ng website na mag-donate muli, o paalalahanan ang mga hindi pa handang mag-donate ng mga item sa unang pagkakataong makita nila ang brand. Nagbibigay-kakayahan sa organisasyon ang remarketing na manatiling nangunguna sa isipan ng kanilang target na audience, na nakakapag-amplify sa epekto ng kanilang mga ad.

“Nagbibigay-daan sa amin ang aming binabayarang Google Ads account na mapalawak ang aming naaabot at magamit ang mga feature gaya ng remarketing habang nakakahimok ng mas dumaraming donasyon.”
Olivia Bowler, Director of Communications sa Habitat for Humanity ng Wake County