The Houston Food Bank

Nakaranas ang Houston Food Bank ng 12x na pagdami ng mga donasyon gamit ang Google Ad Grants sa panahon ng pagtulong sa kalamidad.

Mga Layunin sa Marketing

  • Humimok ng mga donasyon para sa pagtulong sa kalamidad
  • Bumuo ng kamalayan para sa mas matinding pangangailangan
  • Mag-recruit ng mga boluntaryo

Mga Sukatan ng Tagumpay

+187%

tawag

7x

na conversion

12x

na donasyon

Sa isang Sulyap

The Houston Food Bank

Lokasyon: USA www.houstonfoodbank.orgwww.rkdgroup.com

Misyon

Ang Houston Food Bank ay isang solusyon sa gutom at pag-aaksaya ng pagkain, na namamahagi ng 122 milyong masusustansyang pagkain sa pamamagitan ng network nitong 1,500 partner sa komunidad sa timog silangang Texas at nagpapakain ng 800,000 indibidwal bawat taon.

Ang Hamon

Noong 2017, ang pagbaha dahil sa Hurricane Harvey ay nagresulta sa malawakang paglikas at maraming tao ang nangailangan ng tubig, pagkain, damit, at iba pang mahahalagang gamit na hindi madaling masira. Ipinamahagi ng Houston Food Bank ang mga item na ito sa mga shelter sa Houston at mga kalapit na lugar para makatulong sa panahon ng kalamidad. Dahil sa biglaang pagtaas ng demand sa tulong sa pagkain, kinailangan ng organisasyon na mabilis na bumuo ng kamalayan para sa kanilang mga serbisyo, mangalap ng mga pondo, at mag-recruit ng mga boluntaryo.

Ang Diskarte

Ang Houston Food Bank ay pinayuhan ng RKD Group, isang ahensya ng fundraising at marketing, na mabilis na i-optimize ang kanilang Ad Grants account para makuha ang tumaas na interes sa paghahanap na nauugnay sa mga pangangailangan ng pagkain, donasyon, at pagkakataong magboluntaryo na nauugnay sa hurricane. Kasama sa mga diskarte sa pag-optimize ang pag-update sa copy ng ad na may brand, paggawa ng campaign na partikular sa Hurricane Harvey, at pagpapatupad ng mga sitelink. Ang data ng pagsubaybay sa conversion ay nagbigay-daan sa organisasyon na maunawaan ang direktang epekto ng kanilang Google Ads sa mga pagtulong sa kalamidad.

Ang Mga Resulta

Ang Ad Grants account ay mahusay na nakabuo ng kamalayan at naikonekta nito ang mga nawalan ng bahay dahil sa hurricane sa mga resource ng organisasyon sa ilalim ng mga agarang sitwasyon. Sa pangkalahatan, tumaas nang 1,211% ang mga donasyong nahimok ng Google Ads at tumaas nang 187% ang mga tawag sa organisasyon kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon. Nagresulta ang na-update na copy ng ad sa campaign na may brand sa pagtaas na 1067% sa mga conversion, na matagumpay na nakakuha sa pagtaas ng trapiko sa brand dahil sa pagbabalita tungkol sa mga pagtulong ng organisasyon. Nakaranas ng pagtaas na 500% ang mga conversion na nahimok ng Google Ads na nakatuon sa pag-recruit ng mga boluntaryo. Sa pangkalahatan, tumaas nang 741% ang mga conversion sa lahat ng campaign. Ang pagpapatupad ng mga diskarte sa pag-optimize para ma-maximize ang epekto ng Google Ads noong panahon ng kalamidad ay kritikal sa mabilis na paghimok ng mga donasyon, pag-recruit ng mga boluntaryo, at pagbuo ng kamalayan.

“Ang gawain ng RKD Group sa aming Google Ad Grants account noong panahon ng Hurricane Harvey ay nagbigay-daan sa aming abutin ang mga taong napinsala sa ating komunidad, at abutin ang mga taong gustong tumulong na itayong muli ang ating komunidad. Naging kritikal ang Google Ads sa paghimok ng epekto para sa mga pagtulong sa kalamidad.”
Adele Brady, Director of Communications, The Houston Food Bank