105%
pagdami ng online na trapiko
25%
pagdami ng referral sa Google
Sinusuportahan ng Kiwis for kiwi™ ang mga lokal na organisasyon at grupo sa komunidad na nagtatrabaho para protektahan ang kiwi at ang kanilang natural habitat. Nagbibigay sila ng pondo, pagsasanay, at mga mapagkukunan para sa mga proyektong kaugnay ng conservation ng kiwi at ikinokonekta nito ang bawat proyekto sa mga boluntaryo. Sama-sama nilang nilalayong palawakin ang kaalaman, turuan ang publiko, at pukawin ang lahat ng taga-New Zealand na sumali sa laban at maging Kiwis for kiwi™.
Sa loob ng nakalipas na dalawang taon, nakabuo ang Kiwis for kiwi™ ng matapat ngunit maliit na pangkat ng mga tagasuporta. Ang kanilang trapiko sa web ay hindi na tumataas at hindi lumalaki ang organisasyon. Para maabot ang mas malaking audience, ginamit ng Kiwis for kiwi™ ang Google Ad Grants para gumawa ng malakas na presensya online. Gusto nilang makahanap ng paraan para makapagdala ng trapiko sa kanilang website para turuan ang publiko, ikonekta ang mga indibidwal sa mga partner na organisasyon, at hikayatin ang pagbibigay ng mga donasyon.
Nakipagtulungan ang Kiwis for kiwi™ sa isang creative agency para matukoy kung paano sila makakabuo ng mga campaign at keyword sa interface ng Google Ads na sumasalamin sa kanilang mga layunin sa marketing. Hinati-hati nila ang account sa tatlong iba't ibang campaign (Edukasyon, Kaalaman sa Brand, at Mga Paraan Para Makilahok) at ginamit nila ang Keyword Planner tool para bumuo ng mga keyword na may kaugnayan sa bawat kategorya. Nang makabuo sila ng isang pangkalahatang listahan, nakipagtulungan sila sa ahensyang ito para mapino ang mga termino para maipakita kung ano ang iniaalok ng kanilang organisasyon para makontrol ang kanilang trapiko sa web.
Sa loob ng unang buwan ng pag-advertise gamit ang Google Ad Grants, iniulat ng Kiwis for kiwi™ na ang trapiko ng kanilang pambansang campaign para sa fundraising ay tumaas nang 105% at umabot sa pinakamataas na bilang na 12,000 bisita. Sa loob ng susunod na 7 buwan, patuloy na lumago ang pinagmulang trapiko mula sa Google Ads nang 25% at kasalukuyang itong kumakatawan sa 80% ng kanilang kabuuang mga pagbisita sa site. Aktibo nilang sinusubaybayan ang kanilang mga campaign at natutuwa silang makita ang ganitong tagumpay at paglago. Habang papalapit na ang unang taong anibersaryo ng Kiwis for kiwi™ bilang Tagatanggap ng Grant, nagpaplano silang magpatupad ng Pagsubaybay sa Conversion sa Google Analytics para mas maunawaan ang bilang ng mga donasyong nagmumula sa Google Ads.
“Sa limitadong badyet para sa marketing at pag-advertise, nakikita na lang namin na madalas kaming mangaral sa mga naniniwala na. Nag-alok ang Ad Grants sa Kiwis for kiwi™ ng bagong channel at pagkakataon para maabot ang bagong audience.”Michelle Impey, Executive Director, Kiwis for kiwi™