700K
buwanang impression
30K
boluntaryong nagparehistro
30%
trapiko sa site na nagmula sa Ad Grants
Itinatag ang Make a Difference (MAD) noong 2006 at nagpapatakbo ito sa 23 lungsod sa India. Ang organisasyon ay matatagpuan sa labas ng Bangalore, India at nagbibigay-daan sa mga batang nakatira sa mga bahay ampunan at pabahay sa kalye na tuklasin ang tunay nilang kakayahan at maging mahusay sa abot ng kanilang makakaya. Ang MAD ay nagbibigay ng mga malikhaing espasyo para sa pag-aaral para sa mga batang ito at nagsisikap para mapaganda ang kalidad ng kanilang edukasyon at mga pagkakataon sa trabaho.
Sabi ni Gloria, Managing Director ng MAD, "Ang Google Ad Grants ay kinakailangang programa para sa lahat ng nonprofit, lalung-lalo na ang mga nonprofit sa India na nagsisimula pa lang mag-online." Ginagamit ng MAD ang kanilang Google Ad Grants account para mag-recruit ng mga boluntaryong gusto talagang tumulong at makakapaglaan ng isang taon sa organisasyon, palawakin ang kaalaman, manghimok ng mga online na donasyon, at tukuyin at isapriyoridad ang mga lokasyon para sa internasyonal na pagpapalawak.
Nagbigay ang Google Ad Grants ng libreng paraan ng pag-target hindi lang sa mga kasalukuyang pagpapatakbo ng MAD sa 23 lungsod, ngunit pati na rin sa iba pang lugar sa India at sa buong mundo. Ipinapakita ng data ng Google Ads kung aling mga lungsod at bansa ang may pinakamatinding interes sa MAD at ginagamit ng organisasyon ang data na ito para matukoy kung saan sila dapat magpalawak. Bukod pa rito, nagbibigay-daan din sa kanila ang Ad Grants na bumuo ng network ng mga boluntaryong hindi nila maaabot sa pamamagitan ng mga tradisyonal na pamamaraan sa marketing. Humigit-kumulang 20% ng kabuuang bilang ng mga boluntaryo ng organisasyon ay mga lead mula sa Google Ads at humigit-kumulang 30% ng trapiko sa kanilang website ay mula sa kanilang mga Ad Grants campaign.
“Ang Ad Grants ay isang malakas na channel para sa mga internasyonal na donasyon at nagbibigay-daan din sa aming makita nang maaga kung saang mga bansa maaaring palawakin ng MAD ang aming mga chapter para sa fundraising — batay sa mga donasyon at interes na natatanggap namin.”Gloria Benny, Managing Director, MAD