Mutirão no Bem

Nagdulot ang AdWords Express ng pagdami ng mga donasyon at pag-sign up ng mga boluntaryo online, na nagbigay-daan sa Mutirão no Bem na suportahan ang mas maraming pamilya sa São Paulo, Brazil.

Mga Layunin sa Marketing

  • Palawakin ang kaalaman tungkol sa mga kundisyon sa mata
  • Magdala ng trapiko sa website
  • Paramihin ang mga donasyon

Mga Sukatan ng Tagumpay

1,000,000

impression sa loob ng 5 buwan

15,000

pag-click sa ad sa loob ng 5 buwan

40%

pagdami ng mga pag-sign up ng mga boluntaryo online

Sa isang Sulyap

Mutirão no Bem

Lokasyon: São Paulo, Brazil www.mutiraonobem.org.br

Misyon

Sinusuportahan ng Mutirão no Bem ang mga pamilya sa mga komunidad kung saan may social vulnerability at nagtutuon ito ng pansin sa personal na pag-unlad ng kabataan. Naniniwala sila sa “pagmamahal sa iyong kapwa tulad ng sa iyong sarili,” at ang kanilang dakilang layunin ay ang ibahagi ang kaisipan ng pagtanggap at pagyakap nang may pagmamahal.

Mga Layunin sa Marketing

Gusto ng Mutirão no Bem na malaman ng mas maraming tao ang tungkol sa kanilang layunin at organisasyon. Ang Ad Grants ay isang mahusay na solusyon para mabigyan sila ng daan na ibahagi ang kanilang misyon online, nang libre, sa pagnanais na palawakin ang kaalaman, at hikayatin ang pagbibigay ng mga donasyon at pag-sign up ng mga boluntaryo online.

Proseso

Pinagsasabay-sabay ni Luciano Bresciani, President ng Mutirão no Bem, ang pamamahala ng AdWords Express at ang iba pang tungkulin sa pamamahala ng nonprofit. Dahil simple, ginagamit nang mag-isa, at nangangailangan lang ng kaunting oras ang platform ng AdWords Express, nagawa ni Luciano na gumawa at mag-edit ng mga ad sa kanyang mga campaign nang mabilisan at subaybayan ang pag-usad ng mga ito sa dashboard. Bukod pa rito, tiniyak ng feature na pag-iiskedyul ng ad na naipapakita ang mga ad ng organisasyon para sa karapatang pambata sa mga hindi inaasahang oras na maaaring nangangailangan ang mga tao. Ang AdWords Express ay naging mahalagang solusyon sa marketing para sa kakulangan sa oras ng President ng organisasyon.

Epekto ng Google Ad Grants

Mula nang ilunsad ng Mutirão no Bem ang kanilang mga AdWords Express campaign, nakaranas ang organisasyon ng paglawak ng kaalaman, kung saan tiningnan ang kanilang mga ad nang mahigit 1 milyong beses sa loob ng limang buwan at nakatanggap ng 15,000 pag-click ang website nila. Sa loob ng isang buwan, nakaranas din sila ng pagdami ng mga gustong magbigay ng donasyon online, at dahil dito, 39% ng kanilang kita mula sa fundraising sa buwang iyon ay nagmula sa mga online na donasyon. Panghuli, bilang resulta ng paglawak ng kaalaman, dumami nang 40% ang mga taong interesadong magboluntaryo sa Mutirão no Bem.

“Nakatulong sa amin ang Ad Grants na paramihin ang mga pagtingin sa aming website. Nagbigay-daan sa amin ang mga tool na i-target ang audience na gusto namin, partikular na ang mga heograpikong rehiyon kung saan namin inaasahang makahimok ng mga boluntaryo. Salamat sa AdWords Express at Ad Grants, makikita ng mga taong naghahanap ng mga pagkakataon para magboluntaryo at interesadong magbigay ng donasyon ang Mutirão no Bem sa mga resulta ng paghahanap.”
Luciano Bresciani, Presidente