10%
online na donasyong nahimok sa loob ng 1 taon
1,700
pag-sign up ng boluntaryo sa loob ng 1 taon
Adhikain ng Samaritans, na itinatag noong 1953, na magkaroon ng mas kaunting taong nagpapakamatay. Para gawin iyon, nagpapatakbo ang organisasyon ng isang helpline para sa tulong pang-emosyonal, na available nang libre, 24 na oras bawat araw, 7 araw bawat linggo, sa telepono, sa pamamagitan ng email, at nang harapan sa 201 sangay sa UK at Ireland - isang serbisyong ibinibigay ng 20,000 boluntaryo. Ang mga channel ng suporta ay kinokontak bawat 6 na segundo at bawat taon, ang organisasyon ay nakakaabot ng higit sa kalahating milyong tao sa pamamagitan ng kanilang gawain sa mga lokal na komunidad.
Ang pangunahing layunin sa marketing ng Samaritans ay ang palawakin ang kaalaman tungkol sa kanilang helpline para tuluyang bumaba ang rate ng pagpapakamatay. Paliwanag ni Michael Keating, Digital Communications Manager, “Nakatuon kami sa paghahatid ng aming mensahe sa mga taong nag-iisip na kitilin ang kanilang buhay, para malaman nila ang tungkol sa suportang maiaalok namin.” Dahil naging mas digital savvy ang organisasyon, nag-set up na rin ang Samaritans ng mga layunin ng conversion batay sa pangangalap ng pondo, mga pag-sign up sa event, at pag-recruit ng boluntaryo.
Gumagamit ang Samaritans ng pagsubaybay sa conversion sa Google Ads at Google Analytics para masukat ang epekto ng kanilang mga campaign sa Ad Grants at gumawa ng mga desisyon kung saan ilalaan ang kanilang gastos sa marketing. “Sa Google Ads at Analytics, ang mga pangunahing bagay na sinusubaybayan namin ay ang mga donasyong ibinibigay sa pamamagitan ng website, mga pag-sign up ng boluntaryo, at pag-sign up sa email newsletter,” ayon kay Keating. Tumutulong ang pagsubaybay sa conversion at mga insight mula sa data ng Analytics sa organisasyon na planuhin ang gastos sa digital para sa pinakamalalaki nilang campaign sa marketing. Ginagamit ng Samaritans ang kanilang Ad Grants account para subukan ang mga istratehiya sa marketing at sinusuportahan nila ang account gamit ang isang bayad na Google Ads account sa panahon ng kapaskuhan para mapalakas ang kanilang pagsisikap sa pangangalap ng pondo. Sabi ni Michael, “Muling tiniyak ng pagpapatupad ng pagsubaybay sa conversion ang aming organisasyon na sulit ang pamumuhunan sa may bayad na Google Ads. Ipinapakita ng data kung gaano kalaking halaga ang maibibigay ng channel na ito.” Sa nakaraang panahon ng kapaskuhan, nagdala ang bayad na mga Google Ads campaign ng pinakamataas na halaga ng mga donasyon para sa organisasyon.
Iniimpluwensyahan ng pagsubaybay sa conversion at mga insight mula sa data ng Analytics ang paglalaan ng badyet sa marketing ng Samaritans at nagbibigay-daan ito sa organisasyon na epektibong maabot ang kanilang mga layunin sa marketing. Nitong nakaraang taon, nagdala ang mga campaign sa Ad Grants ng organisasyon ng higit $48,000 o 10% ng mga online na donasyon, 11% ng mga pagpaparehistro sa event ng paglilikom ng pondo, at 1,769 na pag-sign up ng boluntaryo. Ayon kay Michael, “Nakatulong sa Samaritans ang pamumuhunan sa Google Ads na makaabot ng mas maraming tao para mag-alok ng suporta at makahimok ng mas maraming tao para suportahan ang organisasyon.”
“Inirerekomenda naming gumamit ang iba pang nonprofit ng Google Analytics at pagsubaybay sa conversion para maunawaan na ang pagsuporta sa isang Ad Grants account gamit ang isang bayad na Google Ads account ay sulit na pamumuhunan.”Michael Keating, Digital Communications Manager, Samaritans