18.2M
pag-click sa website
100K
pagpaparehistro ng bagong mag-aaral
1.5K
na-download na resource ng mga guro
Tumutulong ang Science Buddies sa mga mag-aaral mula sa iba't ibang antas ng pamumuhay na matuto tungkol sa agham at teknolohiya, para sila ay maging mga produktibo at nakatuong mamamayan sa ika-21 siglo. Nagbibigay ang organisasyon sa milyun-milyong mag-aaral, magulang, at guro na nasa K-12 na edukasyon ng mga resource na nagpapakita ng pinakabagong pananaliksik tungkol sa kung paano maituturo ang agham sa epektibong paraan. Nagbibigay ang Science Buddies ng natatanging content na ginawa ng sarili nilang mga scientist na staff. Ang mga resource na ito, na hindi available sa ibang lugar, ay naka-personalize para sa mga indibidwal na pangangailangan at kakayahan sa pag-aaral ng mag-aaral at lubos itong magagamit sa tunay na buhay. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng bukas na access at malayang available na online content, sinisikap ng Science Buddies na tiyaking ang lahat ng bata ay may access sa siyentipikong pag-aaral, anuman ang kanilang kasarian, etnisidad, o kalagayan sa lipunan.
Hindi tulad ang maraming brick-and-mortar na nonprofit, sa online lang nagpapatakbo ang Science Buddies. Ang pangunahin nilang layuninn ay magdala ng trapiko sa website, para maikonekta ang mga bata sa libu-libong page ng libreng content tungkol sa agham. Dahil mahigit 25% ng mga user ang bumibisita gamit ang mobile, nag-update kamakailan ang Science Buddies sa isang pang-mobile na site para mas mahusay na maabot ang mga mag-aaral, guro, at magulang na on the go. Para makakuha ng mas maraming pondo, balak nilang palawakin ang marketing ng kanilang sikat na Science Kit program.
Ang Science Buddies ay isa sa mga early adopter ng programang Google Ad Grants, na sumali noong 2003, kung kailan inilunsad ang programa, at kalaunan ay naging tagatanggap ng Grantspro. Noong 2004, 171,000 natatanging pagbisita sa Science Buddies ay nagmula sa Ad Grants, at pagdating ng 2005, ang bilang na ito ay umabot sa 773,000 natatanging pagbisita. Noong 2006, nadoble ng Google Ad Grants ang trapiko sa website. Ayon sa President at Founder na si Kenneth Hess, “Talagang nakilala kami dahil sa Ad Grants!” Nito lang nakaraang 12 buwan, humigit-kumulang 1,500 guro ang nagparehistro para mag-download ng mga resource para tumulong sa pamamahala ng mga proyektong pang-agham ng mga mag-aaral, at humigit-kumulang 100,000 mag-aaral ang nagparehistro para gamitin ang Topic Selection Wizard, na tumutulong sa kanilang maghanap ng mga proyektong pang-agham na angkop sa kanilang mga interes. Habang naglulunsad ang Science Buddies ng mga bagong kapana-panabik na larangan, gaya ng isang repository ng impormasyon sa trabaho sa STEM, masasayang Aktibidad sa Agham, at mga real-time na Science News Feed, plano nilang gumawa ng mga Google Ads campaign para i-promote ang mga paglulunsad at buhayin ang mas marami pang kaisipang pang-agham.
“Talagang nakilala kami dahil sa Google Ad Grants!”Kenneth Hess, Founder at President, Science Buddies