SOS Children's Villages

Ginamit ng SOS Children's Villages ang mga tool ng Google Ads para magamit nang husto ang epekto ng kanilang Ad Grants account.

Mga Layunin sa Marketing

  • Paramihin ang mga donasyon
  • Palaganapin ang kaalaman tungkol sa misyon ng organisasyon
  • Bumuo ng online presence

Mga Sukatan ng Tagumpay

100%+

buwanang pagbisita sa website

40K

INR na buwanang donasyon

30%

paglago sa trapiko sa website taon-taon

Sa isang Sulyap

SOS Children's Villages

Lokasyon: New Delhi, IN www.soschildrensvillages.in

Misyon

Ang SOS Children's Villages ay isang organisasyong independent, hindi pampamahalaan, at pang-social development na nagbibigay ng pangangalagang nakabatay sa pamilya para sa mga bata sa India mula pa noong 1964. Sa kasalukuyan, mahigit sa 6,600 mga bata at kabataan ang nakatira sa 32 SOS Children's Villages at 27 SOS Youth Facilities sa bansa.

Mga Layunin sa Marketing

Hindi maalam sa digital na teknolohiya ang SOS Children's Villages bago nila na-set up ang kanilang Google Ad Grants account. Gumagawa ang organisasyon ng kanilang mga Google Ads campaign batay sa mga layunin sa marketing. Gumagamit din sila ng iba't ibang tool ng Google Ads at sinusunod nila ang pinakamahuhusay na kagawiang ibinahagi ng Google Ad Grants team para makamit ang kanilang mga layunin.

Proseso

Umaasa ang SOS sa mga libreng tool ng Google Ads para pamahalaan ang kanilang Ad Grants account. Sinusuri at ipinapatupad nila ang mga suhestyong iniaalok sa tab na Mga Pagkakataon at inirerekomenda nila ang tool na ito sa ibang Tagatanggap ng Grant na may limitadong mapagkukunan. Bukod pa rito, regular ding nagdaragdag ang SOS ng mga may kaugnayang keyword sa kanilang mga campaign at gumagamit sila ng ad text na nagha-highlight ng mahahalagang mensahe para i-target ang kanilang audience at magdala ng kwalipikadong trapiko sa website ng SOS.

Epekto ng Google Ad Grants

Pagkatapos ilunsad ang kanilang Ad Grants account, mula 3,000, dumami ang mga buwanang pagbisita sa site ng SOS at naging 8,000 at ang organisasyon ay nakakatanggap ng average na INR 40,000 na donasyon sa isang buwan mula sa kanilang mga ad sa Ad Grants. Sa pamamagitan ng pagsubaybay sa conversion, nasusukat ng organisasyon ang epekto ng kanilang mga campaign, nauunawaan nila kung anong mga pagkilos ang ginagawa ng mga user matapos mag-click sa kanilang mga ad, at nakikita nila kung anong mga campaign ang nagdadala ng pinakamaraming donasyon. Ginagamit nila ang data na ito para siguraduhing ang kanilang pang-araw-araw na badyet ay nakatalaga sa mga campaign na tumutulong sa kanilang makamit ang kanilang mga layunin. Panghuli, nakakatulong ang mga sitelink sa SOS na i-promote ang mga page ng kanilang website na nanghihikayat ng pakikipag-ugnayan tulad ng page na 'Donate and help.'

“Nagbibigay-daan ang Ad Grants sa mga organisasyong may limitadong mapagkukunan na makamit ang kanilang mga layunin at maabot ang tamang audience.”
Kanchan Sen, Head of Individual Partnerships, Fund Development & Communications, SOS Children’s Villages