The SPCA of Texas

Nakaranas ang SPCA of Texas ng 7x na pagtaas sa mga donasyon gamit ang Google Ad Grants sa panahon ng pagtulong sa kalamidad.

Mga Layunin sa Marketing

  • Humimok ng mga donasyon para sa pagtulong sa kalamidad
  • Bumuo ng kamalayan para sa mas matinding pangangailangan
  • Mag-recruit ng mga boluntaryo

Mga Sukatan ng Tagumpay

7x

na donasyon

+116%

conversion

Sa isang Sulyap

The SPCA of Texas

Lokasyon: USA www.spca.orgwww.rkdgroup.com

Misyon

Ang SPCA of Texas ay ang nangungunang ahensyang nangangalaga sa kapakanan ng mga hayop sa North Texas at nagsisilbi itong resource center na nagbibigay ng iba't ibang programa at serbisyo na nagbubuklod sa mga tao at hayop para mapaganda ang buhay ng isa't isa.

Ang Hamon

Noong 2017, ang mga paglikas dahil sa Hurricane Harvey ay nagresulta sa mas malaking pangangailangan para sa animal shelter at pangangalaga ng hayop. Sa panahong ito, nagpaabot ang SPCA of Texas ng mga tulong sa kalamidad sa North Texas para maalalayan ang Gulf Coast at kinailangan nitong mabilis na bumuo ng kamalayan para sa kanilang mga serbisyo, mangalap ng mga pondo, at mag-recruit ng mga boluntaryo.

Ang Pamamaraan

Ang SPCA of Texas ay pinayuhan ng RKD Group, isang ahensya ng fundraising at marketing, na mabilis na i-optimize ang kanilang Ad Grants account para makuha ang tumaas na interes sa paghahanap na nauugnay sa mga pagtulong, pagsaklolo, at pag-ampon ng hayop at pagboboluntaryong nauugnay sa hurricane. Kasama sa mga diskarte sa pag-optimize ang pag-update sa copy ng ad na may brand, paggawa ng campaign na partikular sa Hurricane Harvey, at pagpapatupad ng mga sitelink. Ang data ng pagsubaybay sa conversion ay nagbigay-daan sa organisasyon na maunawaan ang direktang epekto ng kanilang Google Ads sa mga pagtulong sa kalamidad.

Ang Mga Resulta

Ang Ad Grants account ay mahusay na nakabuo ng kamalayan at pakikipag-ugnayan para makatulong sa pagdami ng mga hayop na nasa pangangalaga ng SPCA noong panahon ng hurricane. Tumaas nang 723% ang mga donasyong nahimok ng Google Ads kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon. Nagresulta ang na-update na copy ng ad sa campaign na may brand sa pagtaas na 2830% sa mga conversion, na matagumpay na nakakuha sa pagtaas ng trapiko sa brand dahil sa pagbabalita tungkol sa mga pagtulong ng organisasyon. Sa pangkalahatan, tumaas nang 116% ang mga conversion sa lahat ng campaign. Ang pagpapatupad ng mga diskarte sa pag-optimize para ma-maximize ang epekto ng Google Ads noong panahon ng kalamidad ay kritikal sa pag-aalaga ng mga hayop na nangangailangan at pagkonekta sa SPCA of Texas ng mga user na naghahanap online.

“Sa mga araw pagkalipas ng Hurricane Harvey, mabilis na naglunsad ang SPCA of Texas ng plano para sa kalamidad para makatulong sa pag-aalaga ng mga hayop na naapektuhan ng pagbaha. May ginampanang kritikal na tungkulin ang madiskarteng paggamit ng Google Ads sa pangangalap ng pondo at pagbuo ng kamalayan kaugnay ng aming mga pagsisikap. Sa tulong ng RKD Group, nakakuha kami ng mga pondo at natulungan namin ang mga alagang hayop at tao na dumating sa Texas pagkatapos lumikas mula sa Gulf Coast.”
Maura Davies, Vice President of Marketing and Communications, SPCA of Texas