Travel to Impact

Nakatulong ang Google Ad Grants sa Travel to Impact na hikayatin ang pagpaparehistro ng mga estudyante online, habang nakikipag-ugnayan sa mga bagong unibersidad.

Mga Layunin sa Marketing

  • Palawakin ang presence sa mga bagong unibersidad
  • Magdala ng trapiko sa website
  • Paramihin ang mga bagong pagpaparehisto ng mga estudyante

Mga Sukatan ng Tagumpay

10

naabot na bagong unibersidad

35K

pag-click sa website

1.2K

pagpaparehistro ng bagong estudyante

Sa isang Sulyap

Travel to Impact

Lokasyon: South Africa www.traveltoimpact.co.za

Misyon

Kumikilos ang Travel to Impact sa ilalim ng AIESEC, ang pinakamalaking organisasyong pinamumunuan ng kabataan sa mundo at nagsisikap itong bumuo ng responsable at entrepreneurial na mga pinuno. Nagbibigay-daan ang Travel to Impact para makaugnayan ng mga estudyanteng nasa mga Unibersidad sa South Africa ang mga nonprofit na organisasyon para lumahok sa 6-8 linggong internship at ipinapadala nito ang mga estudyante sa ibang bansa para isulong ang pamumuno ng kabataan at pag-unawa sa kultura. Bawat taon, 200 estudyante ang bumibiyahe patungong Brazil, Mauritius, India, at Turkey, at patuloy na nagbibigay ng kontribusyon sa pagbabago sa kanilang host na komunidad. Nagkabit ng mga poster ang mga estudyante at nagpalitan sila ng mga shift sa information stand ng Travel to Impact sa campus para magbigay ng kaalaman at hikayatin ang mga kapwa nila estudyante na makiisa sa nonprofit na gawain sa buong mundo. Bagama't matagumpay ang mga pagsisikap nilang ito, ang organisasyon ay limitado lang sa mga partikular na unibersidad.

Nakakita ng pagkakataon ang Travel to Impact sa online space at bumuo ito ng online na istratehiya na nakasentro sa programang Google Ad Grants. Sa pamamagitan ng Ad Grants, nagawa nilang i-promote ang website nila, manghikayat ng mga online na pagpaparehistro sa mga bagong unibersidad, at sukatin ang epekto ng mga ad nila.

Epekto ng Google Ad Grants

Nagbigay-daan ang Google Ad Grants sa Travel to Impact na palawakin ang kanilang naaabot sa marketing sa 10 karagdagang unibersidad sa South Africa. Ang kanilang bagong istratehiya sa online marketing ay nagdulot ng 35,000 pag-click sa kanilang website sa loob ng 8 buwan, 4.6% rate ng conversion at 1,200 pagpaparehistro ng mga bagong estudyante. Nakapagtatag sila ng malakas na online presence at nagsisikap silang tulungan ang ibang organisasyon sa AIESEC na mag-online at mag-sign up para sa Google Ad Grants.

“Nakatulong sa amin ang Google Ad Grants na maabot ang mga estudyante at unibersidad na hindi sana namin naabot.”
Michael Hubbard, VP Marketing & Finance, Travel to Impact