To Write Love On Her Arms

Nakalikom ang Google Ad Grants ng $174,000 na halaga ng online na kita para sa To Write Love On Her Arms sa loob ng 1 taon.

Mga Layunin sa Marketing

  • Lumikom ng pondo
  • Humimok ng benta sa ecommerce
  • Dagdagan ang kaalaman

Mga Sukatan ng Tagumpay

$174,000

online na kita sa loob ng 1 taon

1,000

online na transaksyon ng pagbili sa loob ng 90 araw

$50,000

online na benta sa loob ng 90 araw

Sa isang Sulyap

To Write Love On Her Arms

Lokasyon: USA www.twloha.comwww.communityboost.org

Misyon

Ang To Write Love On Her Arms ay isang nonprofit na dedikado sa pagbibigay ng pag-asa at paghahanap ng tulong para sa mga taong nakakaranas ng depresyon at pagkalulong, at sa mga taong sinasaktan ang sarili at nakakaisip ng mga bagay na nauugnay sa pagpapakamatay. Narito ang TWLOHA para manghikayat, magbigay-alam, magbigay-inspirasyon, at mamuhunan nang direkta sa panggagamot at pagpapagaling.

Mga Layunin sa Marketing

Ginagamit ng organisasyon ang Google Ads para humimok ng mga baguhang tagasuporta - mga donor at order sa ecommerce. Ang Google Ad Grants ay isang subok na nangungunang channel ng marketing para sa pagdadala ng mga bisitang umaayon sa misyon sa website ng organisasyon.

Ang Diskarte

Ang TWLOHA ay pinayuhan ng Community Boost Consulting, isang ahensya ng digital na marketing, na magpatupad ng pagsubaybay sa halaga ng conversion para sa mga donasyon at benta sa ecommerce na nagbibigay-daan sa organisasyong subaybayan ang kanilang buong marketing funnel at epekto sa lipunan na hatid ng Google Ads. Para sa itaas ng funnel, sinusubaybayan ng TWLOHA ang mga pageview ng donasyon at ecommerce. Para sa gitna ng funnel, sinusubaybayan ng organisasyon ang mga pag-opt in sa email at layuning nakabatay sa event tulad kapag nag-click ang isang user ng button para magsimula ng pagpaparehistro bilang boluntaryo. At para sa ibaba ng funnel, sinusubay ang mga pagkumpirma ng donasyon, pagbili sa ecommerce, at pagpaparehistro bilang boluntaryo. Paliwanag ni Cameron Ripley, CEO ng Community Boost Consulting, na “Kinakailangan ang Pagsubaybay sa conversion at Analytics. Ang pagkakaroon ng mas mabuting pag-unawa sa data ng Ad Grants at Google Analytics ay nagbigay-daan sa TWLOHA na pahusayin, i-target nang mas mabuti, at italaga ang kanilang mga resource sa marketing. Ang pagsubaybay ay madaling i-set up at isa itong bagay na dapat gamitin ng lahat ng nonprofit.”

Ang data ng Conversion at Analytics ay may mahalagang tungkulin sa diskarte ng pag-optimize ng ad. Ang data ay nagbibigay ng mga insight sa mga demograpiko, interes, at gawi ng mga tagasuporta ng organisasyon. Ang impormasyong ito ay nakakatulong sa Community Boost Consulting na pinuhin ang ad text at pag-target para maabot ng organisasyon ang mas marami sa mga ganitong uri ng mga user online. Sabi ni Cameron Ripley, “Tinitingnan namin ang mga ulat ng Multi-Channel Funnel at Funnel Visualization sa Google Analytics. Karaniwang mga ad ng Google Ad Grants ang unang pakikipag-ugnayan ng user sa nonprofit bago bisitahin ang kanilang website. Pagkatapos malaman ang tungkol sa misyon ng nonprofit, nakikita naming kadalasang binu-bookmark ng mga user ang website at bumabalik sila pagkalipas ng ilang araw para magbigay, magboluntaryo, o gumawa ng anumang uri ng makabuluhang pagkilos.”

Epekto ng Google Ad Grants

Sa loob ng 1 taon, nakalikom ang Google Ad Grants ng mahigit $174,000 na halaga ng online na kita para sa TWLOHA. Sa loob lang ng 3 buwan, nakahimok ang Google Ads ng 1,000 transaksyon ng pagbiling nakalikom ng mahigit $50,000 na halaga ng benta ng merchandise sa ecommerce na direktang nagpopondo sa misyon ng organisasyon. Panghuli, nagpatupad ang Community Boost Consulting ng mga diskarte sa pag-optimize para makuha ang pagdami ng trapiko sa Search noong Suicide Awareness Month, na nakalikom ng mahigit $10,500 na halaga ng mga pagbili sa online store at humigit-kumulang $1,000 na halaga ng mga donasyon sa pamamagitan ng mga direkta at tinulungang conversion. Ang paghimok ng karagdagang trapiko papunta sa website sa mahalagang buwang ito ay nakapagtaguyod ng kaalaman sa brand at ang TWLOHA ay naging bahagi ng isang aktibong panlipunang pag-uusap, at nailagay sila sa posisyon para sa pangmatagalang tagumpay.

“Gamit ang aming Google Ad Grant, nakalikom kami ng mahigit $174,000 na halaga ng online na kita sa loob ng isang taon. Nagkaroon ito ng malaking epekto sa aming pakikipagtulungan sa mga nakakaranas ng depresyon at pagkalulong, at sa mga taong sinasaktan ang sarili at nakakaisip ng mga bagay na nauugnay sa pagpapakamatay.”
Lindsay Kolsch, Co-Executive Director, Write Love On Her Arms