We Care Animal Rescue

Gumagamit ang We Care Animal Rescue ng AdWords Express para makahikayat ng mga donor, boluntaryo, at mag-aampon ng mga alagang hayop online.

Mga Layunin sa Marketing

  • Paramihin ang mga nag-aampon ng mga alagang hayop
  • Mag-recruit ng mga boluntaryo
  • Manghikayat ng mga online na donasyon

Mga Sukatan ng Tagumpay

350%

pagdami ng online na aktibidad

125%

pagdami ng mga online na aplikasyon

3.51%

average na CTR

Sa isang Sulyap

We Care Animal Rescue

Lokasyon: USA www.wecareanimalrescue.org

Misyon

Itinatag ang We Care Animal Rescue noong 1982 sa Napa Valley at ganap itong pinopondohan ng mga pribadong donasyon at pagsisikap sa fundraising. Isinusulong at itinataguyod ng organisasyon ang pangkalahatang kapakanan ng mga hayop sa pamamagitan ng pag-aalaga sa mga pusa at asong gala, paghahanap ng tirahan para sa kanila, at ang pagtuturo sa publiko tungkol sa kapakanan ng mga hayop. Ayon kay Susan Wren, Board President, "Kung wala ang suportang pinansyal ng aming mga donor, hindi maibibigay ng We Care Animal Rescue ang mga serbisyong ito. Para sa maraming hayop, ang We Care Animal Rescue ay isang lugar na nagbibigay sa kanila ng ikalawang pagkakataon sa buhay."

Mga Layunin sa Marketing

Naglunsad ang We Care Animal Rescue ng bagong website sa katapusan ng 2015. Gustong i-promote ng organisasyon ang bagong functionality ng website at padaliin ang pakikipag-ugnayan sa lokal na komunidad na pinaglilingkuran nila sa Napa Valley. Para maisakatuparan ang kanilang misyon at para makamit ang kanilang mga layunin, gumamit sila ng mga AdWords Express campaign para i-promote ang kanilang bagong website, manghimok ng mga boluntaryo, at manghikayat ng mga donasyon online.

Proseso

Ginamit ng angWeb Developer ng organisasyon ang mga tool ng AdWords Express para sa paggawa ng ad para madali at mabilis na makagawa ng kanilang mga online ad at i-target ang mga ito ayon sa heograpikong lokasyon. Ino-optimize ng We Care Animal Rescue ang kanilang mga parirala sa paghahanap na ibinibigay ng AdWords Express para magdala ng higit pang trapiko ng ad at ginagamit din nito ang simpleng dashboard ng account para malaman kung saang mga ad tumutugon ang kanilang target na audience. Ginagamit nila ang mahalagang impormasyong ito para ayusin ang kanilang mga ad para sa pinakamahuhusay na resulta.

Nagbibigay-daan ang AdWords Express app sa organisasyon na mabilis na masubaybayan ang tagumpay ng kanilang mga ad on the go. Bukod pa rito, ginagamit ng We Care Animal Rescue ang Google Analytics para subaybayan ang bilang ng mga paparating na bisita sa kanilang website at kung aling mga AdWords Express ad ang gumagana para makahimok ng higit pang donor, boluntaryo, at mag-aampon ng mga alagang hayop.

Epekto ng Google Ad Grants

Simula nang sumali ito sa programang Google Ad Grants, nakakakita ang We Care Animal Rescue ng average na buwanang pagdami ng pagsusumite ng mga aplikasyon sa pag-aampon online nang 125% kumpara sa nakaraang taon. Ayon kay Susan Wren, "Simple lang ang pag-set up ng aming mga AdWords Express campaign at ilang minuto lang ang inabot ng paggawa ng aming mga unang ad. Wala nang idadali pa ang paggamit sa AdWords Express. Sa mismong araw ng paggawa ng mga bagong ad, nakakakita kami ng mga resulta." Ang kanilang mga AdWords Express campaign ay matagumpay na nakakahikayat ng mga online na donasyon, nakakahimok ng mga bagong boluntaryo, nakakapagparami ng mga nag-aampon ng mga alagang hayop, at nagpapalawak ng visibility ng organisasyon sa komunidad.

"Simula nang sumali kami sa programang Ad Grants, nakita naming tumaas nang 350% ang interes sa aming mga online na serbisyo at sa average, nagkakaroon ng humigit-kumulang 2,000 dagdag na natatanging bisita sa aming website kada buwan."
Susan Wren, Presidente ng Board